Ex-Lady fiscal patay sa ambush
Joy Cantos (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang abogada nang ito ay pagbabarilin ng isang la­laking sakay ng motor­siklo sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Escario St., Cebu City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan at leeg ay kinilalang si Mary Ann Castro, 49, dating Assistant City Prosecutor sa Cebu City.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-9:53 ng gabi ay kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang kulay dilaw na Nissan Juke patungong Capitol Area mula sa Cebu Business Park nang sundan ng suspek na lulan ng motorsiklo.

Ayon sa guwardiya na nakita niya ang suspek na pinagbabaril ang sasakyan ng biktima bago ito tumakas.

Naganap ang krimen sa sa kabila ng nasa full alert ang PNP kaugnay ng gaganaping pagdiriwang ng Sinulog festival sa linggo.

Naging kontrobersiyal na piskal si Castro nang masuspinde ng dalawang beses bago ito nagbitiw sa puwesto noong Abril 2017.

Noong 2015 ay sinus­pinde muli ng Korte Suprema si Castro ng anim na buwan dahilan sa sob­rang paggamit ng impluwensya  nang humingi ng tulong sa pulisya dahilan nakabili ng depektibong behikulo ang kapatid nito noong 2001.

Pagdating ng Disyem­bre 2017, ay muling sinuspinde ng 90 araw ng Department of Justice ma­tapos na sampahan ng reklamo ng dati nitong mister na si Leodegreco “Greco” Sanchez kaugnay ng umano’y pakikipagre­lasyon nito sa napatay na si SPO2 Adonis Dumpit na close in bodyguard ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña noong Hunyo 27, 2018 sa Tagbilaran City, Bohol.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with