Kawani ng casino natusta sa sunog
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos na empleyado ng casino ang nasawi nang makulong sa nasusunog na tinitirhang condo unit sa Masangkay St., Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Halos hindi na makilala ang nasawing si Catherine “Karen” Caparas Tan, residente ng ika-9 na palapag ng Blue Diamond Tower na matatagpuan sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 2, dakong alas-9:58 ng umaga nang magsimulang masunog ang condominium unit na umabot sa ikalawang alarma.

Nang maapula ang sunog dakong alas-12:00 ng tanghali ay nadiskubre ang sunog na bangkay ni Tan sa banyo ng inuupahang unit.

Malaki ang hinala ng pulisya na natutulog ang biktima nang magsimula ang sunog na posibleng nataranta at pumasok sa banyo sa halip na lumikas gayung katabi lamang umano ng unit nito ang fire exit ng gusali dahil ang tatlong kasama nito ay nakalabas nang ligtas.

CATHERINE TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with