Takas na bilanggo, nadedo
Joy Cantos (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang takas na bilanggo ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad na nagsasagawa nang manhunt operation sa kanya kamakalawa sa Brgy. Dabiak, Katipunan, Zamboanga del Norte.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Roger Gumial, 32, may kasong murder na tumakas sa Zamboanga del Norte Reformatory Facility noong Enero 7, 2019.

Sa ulat bandang alas -5:30 ng umaga nang matunton ng arresting team ng pulisya ang pinagtataguan nito sa bahay ng biyenan sa Brgy. Dabiak.

Sa halip na sumuko sa mga otoridad na nakapalibot sa bahay ay akmang tatanggalan ng pin ang hawak nitong granada na balak umanong ihagis sa mga una.

Kaya’t inunahan na siya ng mga pulis at agad na pinagbabaril hanggang sa ito ay mapatay.

ROGER GUMIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with