Sa isang pulong balitaan sa QC, sinabi ng isang residente na nakilalang si Rey Mendez, marami sa kanilang mga kababayan sa Catanduanes ang malugod na nagpapasalamat sa Ombudsman dahil sa ipinataw na suspension sa kanilang gobernador.
Philstar.com, File
Catanduanes gobernor, sinuspinde ng Ombudsman
Mer Layson (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng anim na buwan ng Ombudsman si Catanduanes Governor Joseph Cua sa kasong “abuse of authority, dishonesty, grave misconduct ang conduct prejudicial to the interest of public service” noong Enero 10, 2019. Ikinatuwa naman ng maraming residente ng Catanduanes ang ipinataw na suspension kay Go­vernor Cua.

Sa isang pulong balitaan sa QC, sinabi ng isang residente na nakilalang si Rey Mendez, marami sa kanilang mga kababayan sa Catanduanes ang malugod na nagpapasalamat sa Ombudsman dahil sa ipinataw na suspension sa kanilang gobernador.

Aniya, marahil ay nakakita ng “probable cause” ang Office of the Deputy Ombudsman for Luzon kaya pinatawan nila ng suspension si Gov. Cua na ipinatupad naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bukod pa na naisampa na sa Ombudsman ay natakdang magsampa ng karagdagang kaso ng graft and corruption si Mendez sa susunod na mga araw laban kay Gov. Cua dahil umano sa mga bagong anomalya na natuklasan mula sa tanggapan ng gobernador.

Catanduanes gobernor, sinuspinde ng Ombudsman

Mer Layson

JOSEPH CUA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with