Ito ang sagot ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga pagkuwestiyon ng Makabayan bloc na nais ipatigil sa Korte Suprema ang martial law extension.
Boy Santos
Martial Law extension idedepensa ng DND at AFP
Joy Cantos (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang depensahan ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Korte Suprema ang anumang ihahaing petisyon laban sa pagpapalawig pa ng isang taon sa martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

 Ito ang sagot ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga pagkuwestiyon ng Makabayan bloc na nais ipatigil sa Korte Suprema ang martial law extension.

“We will prove that the reasons for declaring martial law still exist”, anang Kalihim sa grupo ng Makabayan bloc na kinabibilangan nina Reps. Carlos Zarate (Bayan Muna), Antonio Tinio (ACT Teachers), Emmi de Jesus (Gabriela), France Castro (ACT Teachers), Arlene Brosas (Gabriela), Ariel Casilao (Anakpawis) at Sarah Elago (Kabataan).

Nabatid na nais ng Makabayan bloc solons na ipadeklara sa Korte Suprema na unconstitutional ang ikatlong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao na iginiit na walang sapat na basehan ang nasabing hakbang dahil sa bigo umano ang pamahalaan na patunayan na nagpapatuloy pa rin ang rebelyon sa rehiyon at bukod dito ay wala nang nagaganap na aktuwal na rebelyon sa lugar.

Itinakda ng Mataas na Hukuman ang oral arguments sa nasabing petisyon sa Enero 22 at 23 ng taong ito.

Unang nagdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 23, 2017 matapos ang Marawi City siege na napalawig muli noong ­Enero hanggang Disyembre 31 ng nagdaang taon sa ikalawang pagkakataon.

MARTIAL LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with