Sinabi ni Atty. Justin Batocabe, napagdesisyunan ng kanilang pamilya na ibigay “in tranches” ang nakolektang reward sa mga suspek na unang sumuko na sina Christopher Naval alyas Tuping; Danilo Muella; Emmanuel Rosillo; Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.
Ernie Peñaredondo
P50-M reward paghahatian ng 5 suspek sa Batocabe murder
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 18, 2019 - 12:00am

Ibibigay ng 3 gives...

MANILA, Philippines — Gagawing hulugan o “3 gives” ang P50 milyon reward money ng pa­milya Batocabe sa limang suspek na naging testigo matapos ibulgar kung sino ang utak sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Sinabi ni Atty. Justin Batocabe, napagdesisyunan ng kanilang pamilya na ibigay “in tranches” ang nakolektang reward sa mga suspek na unang sumuko na sina Christopher Naval alyas Tuping; Danilo Muella; Emmanuel Rosillo; Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.

Ang unang bigayan ay sa simula ng preliminary investigation, sunod ay sa finding of probable cause at panghuli ay pagbaba ng hatol.

Hindi kasama ang dalawang bumaril kay Rep.Batocabe na sina Henry Yuson at Rolando Arimado o alyas RR. Ayon sa pamilya Batocabe na sila ay nag­latag ng mga kondisyon na ibibigay ang reward money sa pa­milya ng lima para gamitin sa kanilang seguridad, pang-araw araw na pangangaila­ngan, at pag-aaral ng mga anak.

Pumayag din ang pamilya Batocabe na isai­lalim sa Witness Protection Program (WPP) ang mga suspek. Idinagdag pa ng batang Batocabe na na-cross examine niya ang limang suspek at lumalabas na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang utak sa pagpatay sa ama.

RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with