^

Police Metro

3 big time drug pusher tiklo sa P6.8-M shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang tatlong big time drug pusher sa isang anti-illegal drug operation kamakalawa sa Pilar St., Zamboanga City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ismael Nassal, 52; Sadan Jailami at Rajan Jumaani, 26 at nasamsam sa kanila ang isang kahon ng sapatos na naglalaman ng mahigit isang kilong shabu na nakabalot sa packaging tape at nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Batay sa ulat, dakong alas-1:05 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng anti-drug operatives ng Zamboanga City Police Station 11, Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Air Force (PAF) sa isang bahay na ginawang drug den ng grupo sa lugar.

Nakuha rin ang isang tunay na P1,000 bill na nasa ibabaw ng pekeng P1.2-M na ginagamit ng sindikato ng droga para magmukhang tunay ang mga bogus na perang hawak ng mga ito.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Anti Dangerous Drugs Act.

vuukle comment

ISMAEL NASSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with