DOTR nagbabala laban sa pekeng LTO FB page
MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon sa mga motorista ang Department of Transportation (DOTR) tungkol sa isang pekeng Facebook page ng Land Transportation Office (LTO) na naniningil umano sa pamamagitan ng money transfer.
Batay sa imbestigasyon ng DOTR, ilan sa mga inaalok na serbisyo online ng naturang pekeng Facebook page na may 4,000 followers ay ang plate printing, registration, at pag-iisyu ng driver’s license.
Nilinaw ng DOTr na hindi nakikipagtransaksyon ang LTO sa pamamagitan ng text messge at mga couriers.
Hindi rin anila tumatanggap ang LTO ng bayad sa pamamagitan ng SMART Padala.
- Latest