^

Police Metro

Isang kabaliwan ang hamon ni Bacani sa pangulo!-Panelo

Rudy Andal - Pang-masa
Isang kabaliwan ang hamon ni Bacani sa pangulo!-Panelo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagamat nais at kayang tanggapin ng Pa­ngulo ang nasabing hamon ay kailangan na sumunod ang Pangulo sa security protocol upang matiyak ang kaligtasan nito lalo’t ito ang humaharap sa mga problema ng bansa.
Presidential photo/Robinson Niñal

MANILA, Philippines — Isang malaking ka­baliwan ang hamon ni Novaliches Bishop Eme­ritus Teodoro Bacani Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglakad ito ng mag-isa at walang security sa lansangan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagamat nais at kayang tanggapin ng Pa­ngulo ang nasabing hamon ay kailangan na sumunod ang Pangulo sa security protocol upang matiyak ang kaligtasan nito lalo’t ito ang humaharap sa mga problema ng bansa.

Anya, hindi na dapat patunayan ng Pangulo ang kanyang katapangan gayung nang ito’y alkalde pa lamang ng Davao ay mag-isa itong nagpapatrulya at humahabol sa mga krimial sa pamamagitan ng pagkukunwaring isa siyang tsuper ng taxi.

Idinagdag pa ni ­Panelo na baka hindi alam ni Bacani ang ginawang pagsa-substitute ng Pangulo sa isang hostage incident noon para lang mapa­kawalan ang isang biktima ng hostage-taking.

Kaya sa susunod, dapat sigurong pag-isipang mabuti ng Obispo ang mga binibitiwan nitong hamon para hindi mapahiya sa bandang huli.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with