Si Duterte ay naka­kuha ng 81 percent approval rating sa survey na ginawa sa pagitan ng December 14 at 21, ng 6 percentage points mula sa kanyang 75 percent mark noong September 2018.
File
Duterte approval, trust ratings tumaas - Pulse Asia survey
Rudy Andal (Pang-masa) - January 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakamit ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong 2018 ang pinakamataas na approval at trust ra­tings, habang nalasap naman ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pinakamababa batay sa resulta ng kamakailan ng Pulse Asia survey.

 

Si Duterte ay naka­kuha ng 81 percent approval rating sa survey na ginawa sa pagitan ng   December 14 at 21, ng 6 percentage points mula sa  kanyang 75 percent mark noong September 2018.

Ang trust rating ni Pangulong Duterte noong nakalipas ng buwan ng 2018 ay nasa 76 percent, na mas mataas na 4 percent noong third quarter.

Si Duterte, na kauna-unahang pangulo mula sa Mindanaoan ay nakatanggap ng halos perfect scores sa Mindanao, habang nakakuha naman siya ng pinakamababang trust and approval ratings sa Metro Manila.

“The latest Pulse Asia Survey, which gives President Rodrigo Roa Duterte an 81 % Approval and 76 % Trust Rating, is a testament to how this administration is attuned to the needs of the greater majority. This government will continue to focus on the goal of giving a “comfortable life for all” rid of hard drugs, criminality and corruption,” wika naman ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Tumaas din ang approval ratings nina Vice-President Leni Robredo at Senate President Tito Sotto III. Nakakuha ng 62% at 74 percent sina Robredo at Sotto.

Si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay nakakuha ng  low performance approval score na 27 percent, habang ang  trust approval sa da­ting pangulo ay umakyat ng 2 percent mula sa 21 percent.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with