Kaya naman paiiralin ng Commission on Elections (Comelec) sa buong bansa ang gun ban at mga police checkpoint para masawata ang mga nagdadala ng baril at iba pang deadly weapons.
File
Sa pagsisimula ng election period bukas... gun ban, checkpoints iiral na
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umpisa na ang election period para sa 2019 midterm elections sa araw ng Linggo, 4 na buwan bago ang araw ng halalan.

 

Kaya naman paiiralin ng Commission on Elections (Comelec) sa buong bansa ang gun ban at mga police checkpoint para masawata ang mga nagdadala ng baril at iba pang deadly weapons.

Ang checkpoints ay ilalagay sa maliliwanag na lugar na minamandohan ng mga unipormadong pulis na makikita ang kanilang pangalan sa uniporme at kung sinong elections officer ang nakatalaga.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, na sisilip lang ang mga pulis at hindi na kailangan ng mga motorista na buksan ang kanilang mga bintana at compartment.

“They can look but they should not touch,” wika ni Jimenez.

Kasama rin sa ban ang ibang deadly wea­pons tulad ng karit, bolo na ginagamit sa bukid.

Ayon pa kay Jimenez na mga bagong senador, kongresista at mga konsehal ng mga local government ang makikita sa Mayo 13. Habang sa 2022 naman ang presidential at vice presidential elections na kung saan ay aabot sa 1.7 milyong Filipino sa abroad ang inaasahang boboto.

Pinayuhan din ni Ji­menez ang mga kandidato na tanggalin pansamantala ang kanilang mga campaign materials upang simulan na malinis ang kampanyahan sa election.

COMELEC GUN BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with