Magugunita na nagbabala si Albayalde na ipatutupad ng PNP ang “no mercy policy” sa mga pulis na susuway sa kautusan kapag ginamit ang kanilang mga armas sa pagpapaputok para lamang salubungin ang pagpapalit ng taon.
File
23 ‘trigger happy’ inaresto
Joy Cantos (Pang-masa) - January 2, 2019 - 12:00am

7 pulis sinibak...

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang 23 katao na trigger happy gun hol­ders  kabilang ang 7 pulis na agad sinibak dahil sa walang habas sa pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na mahaharap sa kasong admi­nistratibo at kriminal ang 7 pulis.

Magugunita na nagbabala si Albayalde  na ipatutupad ng PNP ang “no mercy policy” sa mga pulis na susuway sa kautusan kapag ginamit ang kanilang mga armas sa pagpapaputok para lamang salubungin ang pagpapalit ng taon.

Nabatid na ang 23 nasakote ay nasangkot sa 26 insidente ng illegal discharge of firearms o walang habas na pagpapaputok ng baril kaugnay ng “Ligtas Paskuhan 2019” mula Disyembre 16, 2018 sa  pagsisimula ng Simbang Gabi hanggang Enero 1, 2019.

 Ang iba pang mga nasakote ay kinabibilangan ng dalawa pang opisyal ng gobyerno, isang AFP serviceman, 10 sibilyan, da­lawang security guard at isa pang law enforcement agent .

Ang PNP ay nagdeploy ng 26,676 personnels para sa law enforcement operations na binigyan ng misyon na tiyakin ang kaligtasan ng publiko  sa pagdiriwang ng kapaskuhan kabilang dito ay sa mga matataong lugar na kinabibilangan ng bisinidad ng mga simbahan, transportation hubs at terminals at sa iba pang matataong lugar.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with