BIR case vs. Goshen resort ibinasura
(Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Provincial Prosecutor’s Office ng Tarlac ang akusasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) 4 laban sa Goshen Resort and Hotel sa sinasabing paglabag nito sa National Internal Revenue Code.

 

Ayon sa resolusyon ng Prosecutors office na nilagdaan nina Associate Prosecutor Cristina Lenon at Provincial Prosecutor Aldrin Bermudez Jr., napatunayan ng Goshen sa isinumite nitong dokumento na sapat na ang kanilang nabayarang registration at invoicing requirements kasama na ang penalty.

Nagbayad ang Goshen ng halagang P65,000 at P1,064 sa BIR para sa registration requirements nito at invoicing requirement violations nito.

Sinabi Pastor Samuel Cole Nicolas, noon pa man ay hindi sila naniniwala sa paratang ng BIR laban sa Goshen Resort and Hotel sa Bamban, Tarlac at kay Jesus Our Victory (JOV) Bishop Marciano Francisco Paras na pangulo ng Kurdan Printhub Trading Inc. na nagpapatakbo ng resort.

Magugunita na inakusahan ng BIR 4 ang Goshen sa pagkabigong mag-isyu ng resibo at commercial invoices sa kanilang hotel guests at ang iniisyu nitong resibo ay nakarehistro sa ibang business enterprise na JOV Family Worship International Inc.

BIR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with