^

Police Metro

AWOL na parak nilikida habang nagte-text

Mer Layson - Pang-masa
AWOL na parak nilikida habang nagte-text
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang biktima na si PO2 Arthur Cordero, nasa hustong gulang, da­ting naka-assign sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police District (MPD) ngunit idineklarang AWOL o Absent Without Leave noong taong 2015.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang AWOL o Absent Without Leave na pulis matapos ratratin ng isang ‘di pa natutukoy ng riding-in-tandem habang naglalakad at nagte-text sa Quezon City, kahapon ng hapon.

 

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang biktima na si PO2 Arthur Cordero, nasa hustong gulang, da­ting naka-assign sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police District (MPD) ngunit idineklarang AWOL o Absent Without Leave noong taong 2015.

Batay sa paunang imbestigasyon, pasado ala-1:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa bahagi ng Calavite St., sa La Loma.

Naglalakad lamang umano ang biktima sa lugar at abalang nagte-text nang bigla na lang itong targetin ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo at likod habang mabilis namang nakatakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagpatay upang matukoy kung sino ang may kagagawan nito, gayundin ang kanilang motibo sa krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with