Bagitong lady cop, huli sa ‘kotong’
Joy Cantos (Pang-masa) - December 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng isang bagitong babaeng pulis matapos mahuli sa isinagawang entrapment operation ng kanyang mga kabaro sa isang convenience store sa kahabaan ng Boni Serrano Ave. sa tapat ng PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

 

Kinilala ni PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) Commander P/Chief Supt. Romeo Caramat Jr., ang nasakoteng suspek na si SPO1 May Ann Malcontento, nakatalaga sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU).

Ayon kay Caramat, isinagawa ang entrapment operation sa pagitan ng alas-5:40 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi sa 7-11 convenience store sa tapat mismo ng Camp Crame.

Isinagawa ang ope­ras­yon matapos na irek­lamo ang nasabing parak ni Gng. Sonia Gaba ng #1838 M. Eusebio Ave­nue, Employees Village, Pasig City.

Sa pahayag ni Gaba palagi umano siyang binubulabog ni Malcontento na humihingi ng Louis Vuitton bag na nagkakahalaga ng P 34,000.00, relo na P2,999.00 ang presyo at P 50,000 .00 cash.

Bago ito, nabatid na si Gaba ay una nang naaresto at kinasuhan ng illegal recruitment at estafa ng PNP-CIDG-ATCU pero nadismis ang kaso sa korte.

Ayon sa ginang bina­bantaan umano siya ng suspek na kapag hindi naibigay ang nasabing demand ng kapritsosang parak ay iha-harass muli ang ginang at isasailalim sa entrapment operation ng PNP-CIDG.

Inihayag ni Caramat nang mabatid nila ang insidente ay agad na ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing maluhong parak.

KOTONG POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with