^

Police Metro

Pulis nanlaban sa pagdukot ng NPA, pinatay

Joy Cantos - Pang-masa
Pulis nanlaban sa pagdukot ng NPA, pinatay
Ang nasawing pulis ay kinilalang si SPO3 Reil Morgado, nakatalaga sa Santiago Municipal Police Station (MPS) sa Agusan del Sur.
FIle

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos manlaban sa tangkang pagkidnap sa kanya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Jagupit, Santiago, Surigao del Sur.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si  SPO3 Reil Morgado, nakatalaga sa Santiago Municipal Police Station (MPS) sa Agusan del Sur.

Sa ulat na nakarating kay CARAGA Police Director P/Chief Supt. Gilbert Cruz, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi ay nasa loob ng kanyang bahay sa Purok 4, Brgy. Jagupit ng bayang ito ang biktima nang mapansin ang ilang armadong kalalakihan na umaaligid sa kaniyang bahay.

Lumabas ng bahay ang biktima upang iberipika nang siya ay tinangkang sunggaban ng mga suspek para dukutin.

Dito ay pumalag ang pulis na handang idepensa ang kaniyang sarili nang siya ay pagbabarilin ng mga suspek na pinaniniwalaang mga NPA rebels.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Habang ang sumugod na mga rebelde ay mabilis na nagsitakas at  tinangay ang service firearm at mga personal na kagamitan ng nasabing pulis.

Nasakote naman ng mga operatiba ng pulisya sa isang follow-up operation ang tatlong lalaki na driver ng habal na siyang sinakyan ng mga rebeldeng pumatay sa biktima.

Kinilala ang mga ito na sina Renate Caerleng, 34; Ryan James Caerleng, 18 at Riedel Cabello, 26; pawang sumasailalim sa masusing tactical interrogation.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with