^

Police Metro

AFP, PNP umalerto sa NPA attack

Joy Cantos - Pang-masa
AFP, PNP umalerto sa NPA attack
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr., noon pa man ay duda na sila sa maitim na balakin ng CPP-NPA at patunay lamang ito na patibong ang idineklara ng mga itong limang araw na unilateral ceasefire .
File

MANILA, Philippines — Pinalakas na pag-atake laban sa tropa ng pamahalaan at pananabotahe sa mga instalasyon ng gobyerno ang inutos ng liderato ng  Communist Party of the Philippines sa mandirigma nilang New People’s Army (NPA) bilang tugon sa pagpapalawig ng martial law ng gobyerno sa Mindanao ng isang taon.

Kaya naman ay umalerto na kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa posibleng pag-atake ng mga rebelde.

Ayon kay AFP Chief of Staff  Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr., noon pa man ay duda na sila sa maitim na balakin ng CPP-NPA at patunay lamang ito na patibong ang idineklara ng mga itong limang araw na unilateral ceasefire .

Sa panig naman ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Benigno Durana Jr., inalerto na ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang lahat ng units ng pulisya partikular na sa mga kanayunan.

Una nang idineploy ng PNP ang mobile strike forces nito sa 10 lalawigan sa Eastern Visayas, Negros Island at Bicol Region na nasa ‘state of lawlessness’ ayon na rin sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing kautusan ay ibinaba ng CPP sa NPA rebels, ang armed wing ng komunistang grupo kaugnay ng pagdiriwang ng mga ito ng kanilang ika- 50 anibersaryo sa darating na Disyembre 26 ng taong ito.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with