Bomb threat sa unibersidad
MANILA, Philippines — Nabulabog ang Our Lady of Fatima University nang makatanggap ang pangasiwaan ng mapanakot na mensahe na may bomba ang eskuwelahan naganap kamakalawa sa Brgy. Sta Cruz, Antipolo City, Rizal.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:34 ng gabi nang ipabatid ni Albert Alberto ng General Services Head ng Our Lady of Fatima University sa security officer na si Jose de Asis Torrion ang natanggap na mapanakot na mensahe sa cellphone hinggil sa umano’y sasabog na bomba.
Ang nasabing bomb threat ay ipinadala sa pamamagitan ng text messages na natanggap ng mensahero na si Abdullah Musni Sahara.
Mabilis na nilisan ng mga kawani, professors at mga estudyante ang unibersidad.
Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng Explosives and Ordnance Division (EOD) at K-9 unit ng pulisya sa nasabing unibersidad at hinahalughog ang unibersidad at matapos ang ilang oras ay walang natagpuang bomba sa eskuwelahan.
- Latest