^

Police Metro

Mag-ama na pumatay ng pulis, nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkalipas ng 14 na araw ay nadakip kahapon ng mga otoridad ang isang mag-ama na bumaril at nakapatay sa isang pulis na nakatalaga sa CIDG sa Pasig City.

Ang mag-amang suspek ay kinilalang sina Julius Panis, 58; at Aaron Panis, 37.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ang bahay ng matandang Panis sa No. 30 B, Melendres Compound, Pag-asa Street, Brgy. Caniogan ng lungsod kaugnay ng pamamaril at pagkakapatay sa pamangkin nitong si PO2 Manuel Melendres III nitong nakalipas na Nobyembre 28 ng taong ito.Sunod na sinalakay ay ang bahay ng batang Panis na nasa loob din ng nasabing compound.

Nakuha sa mag-ama ang isang cal 38 revolver Smith and Wesson na may limang bala, isang cal 38 revolver Armscor, limang bala , isang cal 38 reloader na may limang bala, isang rifle propelled grenade at isang converted rifle cal 22 na may scope at suppressor, MK2 fragmentation hand grenade at isang grenade type tear gas.

Ang mag-ama ay itinuro ni Shirley Melendres misis ng nasawing pulis na siyang bumaril sa kanyang mister dahilan umano sa alitan sa mana sa lupain.

Ang biktima at ang mag-ama ay magkapitbahay lamang sa lungsod ng Pasig.

vuukle comment

JULIUS PANIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with