^

Police Metro

Imee: Presyo ng gasolina bababa sa ‘ethanol blend’

Pang-masa
Imee: Presyo ng gasolina bababa sa �ethanol blend�
Si Marcos, na tumatakbong senator sa 2019 midterm elections ay nagsabi na ang pagdagdag ng ethanol blend mula 10 percent hanggang 20 percent ay magreresulta ng mababang presyo ng gasolina na P5 kada litro.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Para mapanatiling mababa ang presyo ng gasolina sa gitna nang pagpapatupad ng ikalawang trance ng excise sa gasolina sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ay nanawagan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa gobyerno na dagdagan pa ang ‘ethnol blend’.

Si Marcos, na tumatakbong senator sa 2019 midterm elections ay nagsabi na ang pagdagdag ng ethanol blend mula 10 percent hanggang 20 percent ay magreresulta ng mababang presyo ng gasolina na P5 kada litro.

Naniniwala si Imee na given na ang ethanol na mas mura kaysa sa gasolina at ang pagtaas ng ethanol blend ay magreresulta sa mas mura na ethanol-blended gasoline ng P20 kada litro.

Sa kasalukuyan ang ethanol na ginagamit para sa blending ay 55 percent imported na ang ibig sabihin na ang industriya ay susuporta lang ng 45 percent sa overall ethanol demand.

Idinagdag pa ni Imee na kung ang ethanol blend ay nadagdagan mula sa 10% o hanggang 20%, ang pangunahing pahiwatig nito na ang domestic industry ay maaari lamang suportahan ang mas mababa sa 25% ng mga nagresultang demand na ethanol, kaya ang pagtulak sa antas ng pag-angkat sa 75% kahit na walang amending o repealing ang biofuel law at shift sa E20 ay magpapababa sa pangkalahatang gastos ng halos P5.00.

Muling nanawagan si Marcos nang pagsuspinde sa expanded value added tax sa mga pangunahing bilihin, kabilang na ang gasolina, kuryente para sa pagluwag ng inflationary pressures.

Hirit pa ni Imee na ang magiging pinakamahusay na regalo ngayong Pasko sa mga Pinoy ay ang suspensyon ng VAT na nagbibigay ng agarang lunas sa milyun-milyong mga mamimili.

vuukle comment

EXCISE SA GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with