^

Police Metro

3 Balangiga bells naibalik na sa Pinas

Joy Cantos - Pang-masa
3 Balangiga bells naibalik na sa Pinas
Dumating na kahapon sa Villamor Air Base sa Pasay City ang Balangiga Bells matapos ang 117 na hawak ng Estados Unidos. Ang mga kampana ay kinuha sa Balangiga, Eastern Samar ng United States Army noong Philippine-American war.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng 117 taon ay ibinalik na sa Pilipinas ng pamahalaan ng Estados Unidos ang tatlong mala­laking kampana na kinuha ng mga sundalong Amerikano sa Balangiga, Eastern Samar bilang ‘booties’ noong panahon ng giyera.

Isinakay sa US C130 plane ang tatlong kampana na dumating sa Villamor Air Base ng Philippine Air Force dakong alas-10:40 ng umaga na itinurnover ng mga opisyal ng Estados Unidos sa pangunguna ni US Ambassador Sung Kim sa mga opisyal ng pamahalaan na pinangunahan naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi ni Lorenzana na magkakaroon ng dalawang araw na ‘public viewing‘ sa Balangiga bells sa Philippine Air Force (PAF) museum bago ito dalhin at ibalik sa Balangiga, Eastern Samar sa darating na Sabado.

Kaya’ muli namang maririnig ang pagtugtog ng tatlong kampana sa San Lorenzo de Martyr Church sa Balangiga, Eastern Samar kaugnay ng pagsisimula ng Simbang Gabi sa Disyembre 16 para sa nalalapit na kapaskuhan.

Nabatid na dalawa sa mga kampana ay kinuha sa Warrant Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming habang ang isa pa ay sa Camp Red Cloud sa South Korea kung saan nagkaroon ito ng stopover sa Kadena Air Force base sa Japan bago ito ibiniyahe ng US C130 plane at pinal na naibalik sa bansa kahapon.

vuukle comment

BALANGIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with