^

Police Metro

Mag-ina sinilaban ng mister

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-ina sinilaban ng mister
Ayon sa Women and Children’s Protection Desk na alas-3:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay nang buhusan sila ng gasolina ni Gulmatico at pagkatapos ay sinilaban gamit ang lighter.
CC0 Creative Commons

MANILA, Philippines — Matinding selos umano ang nag-udyok sa isang mister na buhusan ng gasolina at sindihan ang kanyang mag-ina habang ang mga ito ay mahim­bing na natutulog naganap noong Linggo sa Silay City, Negros Occidental.

Ang mga biktima na nagtamo ng second degree burn ay kinilalang si Cinderella Gargacera, 24 at anak nitong 3-anyos na babae. Kinilala naman ang suspek na si Cedie Gulmatico, 22.

Ayon sa Women and Children’s Protection Desk na alas-3:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay nang buhusan sila ng gasolina ni Gulmatico at pagkatapos ay sinilaban gamit ang lighter.

Nabatid na yakap-yakap ni Cinderella ang anak habang natutulog kaya’t nadamay din ito.

Ang mag-ina ay patuloy na ginagamot sa ospital sa natamong second-degree burn. Habang si Gulmatico ay sumuko sa pulisya na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Inamin ni Gulmatico na nagawa niyang silaban ang misis dahil sa nababalitaan nitong nangangaliwa umano ang kaniyang misis na matagal na nilang pinag-aawayan.

Sasampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek.

Naniniwala naman ang mga otoridad na ang suspek ay gumagamit ng illegal drugs.

vuukle comment

BUHUSAN NG GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with