^

Police Metro

Cha-cha aprub na sa Kamara

Gemma Garcia - Pang-masa
Cha-cha aprub na sa Kamara
Base sa ilalim ng draft federal constitution, magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador, pangalawang pangulo at presidente.
File

MANILA, Philippines — Lumusot na sa ikatlo ang huling pagbasa ng Kamara ang draft federal constitution o Charter Change (Cha-cha).

Sa botong 224 na Yes, 22 na No at 3 Abstain ay aprub na ang Resolution of Both Houses (RBH) 15 na naglalayong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution.

Sa ilalim ng Saligang Batas, 3/4 ang kailangan para maamyendahan ang 1987 Constitution o 220 ng kabuuang miyembro ng Kamara ang dapat pumabor.

Base sa ilalim ng draft federal constitution, magiging apat na taon na ang isang termino ng mga halal na opisyal kabilang ang kongresista, senador, pangalawang pangulo at presidente.

Ang pangulo ay maaa­ring muling iboto sa ikalawang termino habang aalisin naman ang term-limit ng iba pang opisyal.

Nakasaad din dito na kailangang college graduate ang mga tatakbo sa pagka kongresista, senador, bise presidente at pagkapangulo.

Habang ang running mate naman ng mana­nalong pangulo ang otomatikong magiging bise presidente.

Magiging 2-party system na rin lamang ang political party at mananatili ang presidential form ng gobyerno.

Subalit, ang Kongreso ang magpapasya sa pagbuo ng Federal States.

Ang Mababang Kapulungan naman ay bubuuin ng hindi bababa sa 300 mga kinatawan.

Nakasaad din dito, na mananatiling ihahalal ng mga botante sa buong bansa ang mga senador katulad ng sa partylist.

Inalis naman sa ­inaprubahang panukala ang pagbabawal sa political dynasty.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with