^

Police Metro

Meralco may taas-singil sa kuryente ngayong buwan

Mer Layson - Pang-masa
Meralco may taas-singil sa kuryente ngayong buwan
Sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, magpapatupad sila ng P0.0902 kada kilowatt hour (kwh) dagdag-singil kaya’t aabot na ngayon sa P10.1803/kwh ang presyo ng kuryente mula sa dating P10.0901/kWh lamang.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Ngayong Disyembre ay magtataas ng singil sa kur­yente ang Manila Electric Company (Meralco).

Sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, magpapatupad sila ng P0.0902 kada kilowatt hour (kwh) dagdag-singil kaya’t aabot na ngayon sa P10.1803/kwh ang presyo ng kuryente mula sa dating P10.0901/kWh lamang.

Katumbas ito ng P18 na dagdag sa December bill, para sa mga bahay na kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan habang P27 naman sa mga nakakagamit ng 300 kwh.

Nasa P36 naman ang itataas sa bill ng mga kumukonsumo ng 400 kwh at P45 para sa mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtaas ng singil ay bunsod na rin umano nang pagtaas ng singil ng independent power producers (IPP) ng hanggang P5.33/kwh mula sa dating P5.27/kwh lamang, habang tumaas din naman ang nakuhang suplay sa mga kakakontratang planta ng Meralco.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with