^

Police Metro

Poe, kabado sa lumolobong Intsik sa Pinas

Pang-masa
Poe, kabado sa lumolobong Intsik sa Pinas
Ayon pa kay Poe, ilang Intsik ang gumagamit ng ilegal na pasaporte ng Pilipinas para lamang makapagtrabaho sa bansa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpahayag si Sen. Grace Poe ng labis na pagkabahala sa pagdami ng hindi dokumentadong Intsik o Tsino na nagtatrabaho sa Pilipinas dahil tila mawawalan ng trabaho ang mga Pilipino.

Anya, hindi dapat pumasok ng bansa ang mga nasabing dayuhan sa pamamagitan ng pagkukunwari bilang turista ngunit magtatrabaho naman pala.

Dapat mas maging mahigpit ang Department of Labor and Employment at Bureau of Immigration sa visa issuance.

Ayon  pa kay Poe, ilang Intsik ang gumagamit ng ilegal na pasaporte ng Pilipinas para lamang makapagtrabaho sa bansa.

Sinabi ni Atty. Homer Arellano, pinuno ng prosecution and legal assistance section ng Immigration bureau, may ilan lamang aniyang pagkakataon na may nahuling Chinese nationals na gumagamit ng illegal Philippine passport.
Binanggit din ng DOLE, ilan sa mga pumapasok na Chinese citizens sa bansa ay mga turista ngunit nakakakuha ng special working permit para makapagtrabaho.

Wala namang tala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa dami ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa online gaming kahit pa karamihan sa mga inisyung special working permit ay para sa mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations.

Sa kabuuang 1.66 milyon tourist visas na inisyu ng Department of Foreign Affairs, 18 lamang na employment visa para sa Chinese nationals ang naiproseso.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with