13 South Cotabato high school students positibo sa HIV
MANILA, Philippines — Naalarma ang provincial health department ng South Cotabato dahil sa paglobo ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa mga high school o secondary students.
Sinabi kamakailan ni John Arlo Codilla, infectious diseases coordinator ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), na nasa 13 senior high school students sa lalawigan ang kasalukuyang nagpositibo sa nasabing sakit ngayong taon.
Napansin lang ang kaso sa isinagawang random voluntary screening ng IPHO sa high schools sa 10 bayan at iisang lungsod ng lalawigan.
Ang nasabing test ay ginagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
Ang inilabas na ulat ng IPHO ay ipinapakita ang kumpirmadong bagong kaso ng HIV sa lalawigan ngayong na umabot na sa 368.
Umabot na rin sa 13 ang namamatay simula noong Enero dahil sa kumplikasyon at advanced stages ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Simula, 1984, nasa 744 HIV/AIDS ang naidokumento sa lugar na karamihan ay mga lalaking professional na may edad 25 hanggang 34.
Since 1984, a total of 744 HIV/AIDS have been documented in the area, mostly involving male young professionals aged 25 to 34.
Ayon kay Codilla ang 13 high school students ay kasalukuyang ginagamot sa HIV/AIDS Core Team (HACT) Clinic ng lalawigan.
- Latest