^

Police Metro

150 pamilya sa Quezon City, nasunugan ng bahay

Mer Layson - Pang-masa
150 pamilya sa Quezon City, nasunugan ng bahay
Sa ulat ni Quezon City Fire Marshal Jaime Ramirez, nagsimula ang sunog dakong ala-1:00 ng hapon sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Nasa 150 pamilya ang nawalan ng bahay habang 2 katao ang nasugatan sa naganap na sunog kahapon ng hapon sa Quezon City.

Ang dalawang nasugatan ay kinilalang sina Areen Martinez, na nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan at Armando Delos Reyes na nasugatan naman sa tuhod.

Sa ulat ni Quezon City Fire Marshal Jaime Ramirez, nagsimula ang sunog dakong ala-1:00 ng hapon sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Naging mabilis anya ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang sa kahoy ang mga bahay at umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula dakong alas-2:30 ng hapon.

Nasa 45 bahay ang naabo sa sunog na may kabuuang 150 pamilya at patuloy ang imbestigasyon paano nagsimula ang sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with