2 karnaper tigbak sa parak
Joy Cantos (Pang-masa) - December 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang sinasabing kilabot na miyembro ng robbery-carnapping group matapos itong makipagbarilan sa mga pulis habang nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan ng mga ito sa isang operasyon sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw. 

 

Gayunman, ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/ Chief Supt Joselito Esqui­vel, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga nasawing suspek.

Inilarawan ang isa sa mga napaslang na nasa edad 30-35, may taas na 5’5”, nakasuot ng kulay berdeng long sleeves, kulay kayumangging pantalon at sapatos.

Samantalang ang isa pa ay nasa pagitan naman ng 25-30-anyos, nasa 5’2” ang taas, nakasuot ng kulay asul na rubber shoes, t-shirt, fatigue na short at may tattoo sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-2:10 nang madaling araw ng maganap ang engkuwentro makaraang respondehan ng mga pulis ang ulat ng pag-karnap sa motorsiklo ng biktimang si Jeremy James Capucheno, 36 sa Brgy. Quirino 2-A ng lungsod.

Sa dragnet operation, dito na naispatan ng mga otoridad ang mga suspek sakay ng ninakaw na motorsiklo at isa pa na walang plaka.

Nang parahin ng mga operatiba ang mga suspek, sa halip na huminto ay agad nagpaputok ang mga ito dahilan upang gumanti ang mga pulis kung saan bumulagta ang dalawa habang mabilis na nakatakas ang dalawa pang kasamahan.

Narekober sa crime scene ang dalawang cal .38 revolver, 3 sachet ng shabu at isang unit Honda motorcycle na may plakang NE19478.

KARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with