Sa ulat, bandang alas-6:40 ng gabi habang ang mga biktima ay nakasakay sa unahan ng pampasaherong van na minamaneho ni Sangkad nang pumara ang isang pasahero.
File
Abogado na sakay ng van binaril sa ulo
Joy Cantos (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 48-anyos na abogado ang pinagbabaril ng nag-iisang gunman kamakalawa ng gabi sa national highway ng Brgy. Meta, Datu Unsay, Ma­guindanao.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Atty. Nasser Laban, isang peace advocate at residente ng Cotabato City.

Nasa kritikal na kondis­yon naman ang driver ng sinakyang van na kinila­lang si Kalimad Sangkad, 26 na tinamaan ng bala sa dibdib.

Nabatid na ang biktima ay naglilibot sa Central Mindanao kaugnay ng pagpapaliwanag nito sa mga mamamayan rito sa Bangsa­moro Organic Law (BOL) na itinakda ang plebisito sa Enero ng susunod na taon.

Sa ulat, bandang alas-6:40 ng gabi habang ang mga biktima ay nakasakay sa unahan ng pampasaherong van na minamaneho ni Sangkad nang pumara ang isang pasahero.

Bago bumaba ang nasabing pasahero ay pinagbabaril si Laban pagdating sa harapan ng Brgy. Hall at Fire Station sa Brgy. Meta, Datu Unsay ng lalawigan na kung saan ang ibang bala ay tumama sa dibdib ni Sangkad.

Mabilis na tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasabwat patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

BINARIL SA ULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with