Ayon kay Pangulong Duterte, sina dating Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada umano ay nakulong din pagkatapos ng termino kaya wala siyang nakikitang problema kung makukulong din siya kinalaunan.
KJ Rosales
4,000 napatay sa droga inako ni Digong
Rudy Andal (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Handang magpakulong...

MANILA, Philippines — Handa umanong magpakulong si Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng kanyang termino kaugnay sa paratang na extra-judicial killings sa anti-drug war ng admi­nistrasyon.

Ito ang tiniyak ni ­Pangulong Duterte at ­inaako ang responsibilidad sa 4,000 kaso ng napatay sa operasyon ng PNP laban sa iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, sina dating Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada umano ay nakulong din pagkatapos ng termino kaya wala siyang nakikitang problema kung makukulong din siya kinalaunan.

Inihayag ni Pangulong Duterte na ang pagka-pangulo ay biyaya ng Diyos kaya ang kanyang panunungkulan ng tapat ay alay niya sa sambayanan kahit pa kapalit ng kanyang pagkakakulong.

Muli nitong pinatutsadahan ang International Criminal Court (ICC) na binubuo umano ng mga “idiot” na hindi nga alam kung paano nahalal ang mga ito.

EXTRAJUDICIAL KILLINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with