Ito ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at hinimok din niya na iwasan ang pagsisimba bagkus ay magtayo ng maliit na chapel sa kanilang mga bahay upang doon na lamang magdasal.
PPD/Karl Norman Alonzo
Duterte: 90% ng mga pari bakla!
Rudy Andal (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Handang magpakulong...

MANILA, Philippines — Aabot sa 90% mga Paring Katoliko ay mga bakla”.

Ito ang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at hinimok din niya na iwasan ang pagsisimba bagkus ay magtayo ng maliit na chapel sa kanilang mga bahay upang doon na lamang magdasal.

“The most hypocritical institution in the entire Philippines is the Catholic Church and the Pope knows that,” wika pa ng Pangulo.

“No offense intended, I have so many relatives who are gay. I have two brother-in-laws who are gay. But most of the priests there are homosexuals, almost 90 percent of you. So do not postulate on my morality,” wika pa ng Pangulo kamakalawa ng gabi.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag na ito nang magpahayag kamakailan si Pope Francis na dapat umalis sa pagka-pari ang mga bakla o maging celibate ang mga ito.

Sinisi din ni Duterte ang simbahan sa paglago ng populasyon ng bansa dahil sa pagtutol ng mga ito sa family planning at population control.

“We are very poor. We have a runaway population. It’s because of the Church. They have always been against family planning. But the priests and the bishops are also into it producing more Filipinos. The idiots of our times,” giit pa ng pangulo.

Samantala, labis din na pagkainis ay nagpahayag din si Pangulong Duterte na dapat patayin ang mga obispong wala ng ginawa kundi ang pumuna’t bumatikos sa kanyang administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, kaya lang nagbitiw ng salita ng ganun ang Pangulo dahil sa pagkabuwisit nito sa mga Obispo na tila hindi nakikita ang magagandang ginawa ng administrasyon.

Sa kabilang dako’y pinanindigan din ng Palasyo na may basehan si Pangulong Duterte nang tawagin nito ang Simbahang Katoliko na isang hypocritical institution.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with