Sa ulat, sinalakay ng NBI, Mines and Geosciences Bureau, at Department of Environment and Natural Resources ang Barangay Manuali matapos idulog ng mga apektadong Katutubong Aetas sa ginagawang quarrying ng Clarete’s at Tag Mineral Resources Inc. dahil mismong sa kanilang ancestral domain ang inaabuso umano.
File
30 katao inaresto ng NBI sa illegal quarrying
Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlumpung katao kabilang ang tatlong Chinese national at isang barangay chairman ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa iligal na pagmimina sa Porac, Pampanga.

Sa ulat, sinalakay ng NBI, Mines and Geosciences Bureau, at Department of Environment and Natural Resources ang Barangay Manuali matapos idulog ng mga apektadong Katutubong Aetas sa ginagawang quarrying ng Clarete’s at Tag Mineral Resources Inc. dahil mismong sa kanilang ancestral domain ang inaabuso umano.

Sinabi ni NBI Director Dante Gierran, bukod sa pagkakadakip sa mga sangkot sa iligal na aktibidad, kinumpiska rin ang nasa P1-bilyong halaga ng mga heavy equipment, makina at iba pang gamit sa pagmimina na nadatnan ng mga operatiba sa LUGAR.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang mga suspek na lumabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 at RA 8371 o Indigenous people’s Rights Act of 1977 o Unauthorized And Unlawful Intrusion ang mga di pinangalanang respondents.

QUARRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with