^
Pasahe sa jeep balik P9
Ayon pa sa resolus­yon, magiging epektibo ang naturang rollback sa pasahe sa lalong madaling panahon matapos na mailathala ang kautusan sa mga pahayagan.
STAR/Miguel de Guzman, File

Pasahe sa jeep balik P9

Angie dela Cruz, Mer Layson (Pang-masa) - December 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik sa P9 ang minimum na pasahe sa pampasaherong jeep matapos na atasan kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Martin Delgra.

Alinsunod sa Board Resolution No. 091, Series of 2018 na pinirmahan kahapon ng hapon ni LTFRB chairman Delgra, at board members Engr. Ro­naldo Corpus at Atty. Aileen Lourdes Lizada ay ibinabalik sa P9 ang minimum fare sa passenger jeepneys sa Regions 3, 4 at National Capital Region (NCR) para sa unang apat na kilometro ng biyahe.

Ayon pa sa resolus­yon, magiging epektibo ang naturang rollback sa pasahe sa lalong madaling panahon matapos na mailathala ang kautusan sa mga pahayagan.

Ilalathala naman umano kaagad ito sa mga pahayagang may general o local circulation ng LTFRB nga­yong araw.

Ang pagrolbak sa pa­sahe ay bunsod nang sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong Petrolyo.

FARE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with