^
Balik P8 pasahe sa jeep dedesisyunan

Balik P8 pasahe sa jeep dedesisyunan

Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 29, 2018 - 12:00am

Malalaman sa susunod na linggo...

MANILA, Philippines — Malalaman sa susunod na linggo ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang usapin ng pagbabalik sa P8 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Sa Disyembre 4, itinakda ng LTFRB ang pagbusisi sa usapin gayundin ang isyu sa pagbabalik P10 na minimum na pasahe sa bus sa Metro Manila at provincial buses.

Ayon kay RJ Javellana, ng United Filipinos Consumers and Commuters, marapat lamang na maibalik sa dating presyo ang pamasahe sa jeep at bus dahil nagkaroon naman ng sunod-sunod na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo.

Magugunita na mula sa dating P8 ang minimum pasahe sa jeep ay ginawa ito ng LTFRB na magkaroon ng P1 provisional increase o P9 ang pasahe sa jeep at mula P9 ay itinaas ito ng LTFRB sa permanente na P10 ang minimum na pasahe sa jeep .

Mula naman sa P10 at P12 ang minimum na pasahe sa ordinary at airconditioned buses ay kasalukuyan na itong P11 at P13 na.

FARE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with