^

Police Metro

Pagtaas ng karahasan at terorismo... Puwersa ng pulisya at sundalo pinadadagdagan sa 4 lalawigan

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan ang Malacañang para sa karagdagan pang tropa ng pulis at sundalo sa apat na lalawigan dahil sa patuloy ang pagtaas ng karahasan at terorismo.

 

Ayon kay Executive Secretary Salvador ­Medialdea, nagpalabas ng kautusan si  Pangulong  Rodrigo Duterte, sa pinirmahang Memorandum Order No. 32 na karagdagang puwersa ng pulis at militar  sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, at Bicol Region upang pigilan at mapahinto ang anomang anyo ng karahasan. Sa ilalaim ng inilabas na Memorandum Order, inaatasan ang pulis at military na pakilusin ang intelligence operation nito kontra sa sinomang indibidwal o grupo na may kinalaman sa paghahasik ng karahasan sa alinmang nabanggit na lalawigan.

Inaatasan din ang mga lokal na pamahalaan na ibigay ang lahat nitong suporta sa PNP at AFP habang tiniyak naman ng Malacañang na masusunod ang proseso sa pagpapatupad ng warrantless arrest kung kinakailangan at iba pang hakbangin gaya ng searches at checkpoint operation.

vuukle comment

TERORISMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with