Ex-Payatas police chief,16 pa kakasuhan sa pagkamatay ng tinedyer
MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ang dating hepe ng Batasan Police at 16 pa nitong tauhan matapos na makitaan ng ‘probable cause’ ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kaugnay ng kontrobersyal na pagkamatay ng isang 17-anyos na binatilyo sa buy bust operation sa Brgy. Payatas, Quezon City noong 2016.
Si Supt.Lito Patay, dating hepe ng Police Station 6 sa Batasan kung saan maraming mga drug pushers ang bumulagta sa buy bust operation na ayon sa opisyal ay pawang nanlaban sa kanilang lehitimong operasyon.
Bukod kay Patay pinakakasuhan na ng PNP-IAS ang 16 nitong mga tauhan sa pagkamatay ng tinedyer na si Darwin Hamoy, 17.
Ang pagsasampa ng kasong grave misconduct at grave irregularity laban kina SPO3 Carlo Abella; SPO2s Marvin Merida, Rhodolf Makie at Ralph Pinero; SPO1 Ronnie Banggat; PO3’ss Dennis Pal, Richard Timon, Edilberto Vargas at Nonilon Laberon: PO2’s Michael Maderable, Amirudin Ibrahim, Alberto Pombo, Andy Adlawan, Charles Molinos, Herbert Angoluan at Wilson Escuro.
- Latest