^

Police Metro

Kawani ng power firm nagpapasaklolo kay Duterte

Pang-masa

MANILA, Philippines — Humingi na ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte na si Gaudioso Arnejo Sumandi, kawani ng Panay Electric Company (PECO) sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint  Hotline upang maipaabot ang problema ng kanilang kumpanya.

Ayon kay Sumandi,na kailangan ng mga residente ng Iloilo City ang bagong mangangasiwa sa kanilang problema sa kuryente.

Sinabi ni Sumandi na 24 taon na siyang empleyado ng PECO bilang lineman at trouble shooter ay hindi na nakatiis sa umano’y palpak na pamamalakad sa kumpanya.

Inihalimbawa nito na karamihan ng kawani ng kumpanya ay mga kontraktuwal at bukod tanging siya lang ang regular na empleyado.

Nababahala na siya sa linya ng kuryente ng PECO dahil sa overloading na kung hindi umano matutugunan ay malaking panganib ang maaaring idulot nito na kung saan ay may ilang pagkakataon na umano na nagkakaroon ng sunog dahil sa pag-iinit ng kable dala ng overloading na masuwerte na agad naapula.

Kaya’t may batayan ang reklamo ng mga residente na palagiang brown-out na nararanasan dahil umano ang mga linya ng kuryente ay putol-putol na karaniwang pinagdugtong lamang nila at ginawan ng paraan para magkailaw ang mga residente.

Sinabi ni Sumandi na maging sa Department of Labor and Employment-Iloilo ay naghain na rin siya ng reklamo dahil sa hindi pagbabayad sa kanila ng overtime pay, subalit napilitan na bawiin niya ang reklamo sa pakiusap na rin ng management na intindihin muna ang kanilang pagkukulang.

Kaya’t ang apela ni Arnejo sa PECO na huwag nang itanggi ang pagkukulang nila at aminin na lamang na hindi na kayang bigyan ng magandang serbisyo ang mga consumers.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with