^

Police Metro

Retiradong pulis at sundalo tinodas

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis at sundalo ang pinagbabaril at napatay sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo City at Pagadian City.

Sa Iloilo City, dakong alas-8:00 ng umaga kahapon nang pagbabarilin ng riding in tandem suspect ang biktimang si retired policeman Ronald “Apol” Alag, ng Mirasol, Mandurriao ng nasabing lungsod.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang van patungo sa kanyang kapatid at pagliko sa Villa Anita, City Proper ay pinagbabaril at napatay ito ng mga suspek.

Patay rin ang bagong retirong sundalo na si Mario Fernando, 55, ng Purok Bethlehem, Brgy. Banale, Pagadian City nang pagbabarilin ng suspek sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng hapon.

Naghuhugas pa ang biktima ng plato sa labas ng kanilang bahay ilang metro ang layo mula sa kanilang main gate nang pagbabarilin ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo nang pagpatay sa mga biktima.

vuukle comment

RETIRADONG PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with