^

Police Metro

PNP walang planong buhayin ang Alsa Masa

Joy Cantos - Pang-masa
PNP walang planong buhayin ang Alsa Masa
Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Benigno Durana Jr., na-misinterpret ang inianunsyo ni CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police Director P/Chief Supt. Edward Carranza sa sinabing ikinokonsidera ng PNP ang pagpapalawak ng Community Mobilization Project (CMP) bilang intelligence–gathering network na kahalintulad ng “Alsa Masa”.
File

MANILA, Philippines — Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala silang plano na muling buhayin ang Alsa Masa o ang grupo ng mga sibilyang tipster ng mga otoridad noong dekada 80 na naging vigilante group.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Benigno Durana Jr., na-misinterpret ang inianunsyo ni CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police Director P/Chief Supt. Edward Carranza  sa sinabing ikinokonsidera ng PNP ang pagpapalawak ng Community Mobilization Project (CMP) bilang intelligence–gathering network  na kahalintulad ng “Alsa Masa”.

Binigyang diin ni Durana na ang nais sabihin ni Carranza ay ipinanukala ng Regional Advisory Council ang pagpapalakas pa ng CMP upang mapagkaisa ang mga stakehol­ders, komunidad, simbahan, aka­demya, business groups at iba pa upang magsagawa ng pagpupulong sa mga pampublikong isyu at seguridad.

Ayon pa kay Durana kailangan ng consultative mechanism para mapaigting pa ang suporta at ta­lento sa pagresolba sa mga problema.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with