^

Police Metro

Hinaing ng Iloilo residents sa problema sa kuryente iaapela kay Duterte at Kamara

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang umapela ang ilang residente ng Iloilo City sa Kamara at kay Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan ang kanilang hinaing na ibasura ang apela ng Panay Electric Company (PECO) para sa kanilang legislative franchise renewal.

Ito ang naging kahilingan ng mga consumers kung hindi pa sapat ang mga inilahad nilang reklamo laban sa PECO sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Nabatid na ang prangkisa ng PECO ay magtatapos sa Enero 18, 2019 at ang aplikasyon nito para sa renewal ay nanatiling nakabinbin sa House Committee on Legislative Franchises.

Ayon kay Hazel Fernandez, isang ship captain at residente ng Jaro, Iloilo City na saksi sya sa palpak na serbisyo ng PECO na 5 buwan syang nagpabalik balik bago naaksyunan ang inirereklamo niyang overcharging na aabot mula P4,000 pataas kada buwan.

Karaniwan din umanong tumatagal ang reklamo ng mga consumers na hindi naaksyunan dahil walang sariling complaint desk ang PECO.

Naglahad din ng hinaing ang retiradong teacher na si Mildred Jaromahum ng Barangay Sinikway, Iloilo City ng PECO na P3,000 kada buwan ang kanyang bill ngunit noong 2017 ay umabot ito ng P114,375 at ang nais ng PECO ay bayaran nya ito ng installment.

Dagdag ng mga residente kay Pangulong Duterte na magpadala ng kanyang kinatawan sa Iloilo City o opisyal mula sa ERC upang marinig ang kanilang mga reklamo.

vuukle comment

PECO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with