^

Police Metro

Kawani sa Quezon City Hall, huli sa droga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakapalag pa ang isang kawani ng Quezon City Hall nang dakmain ng mga otoridad habang naaktuhang nagbebenta ng droga sa Brgy. Damayan Lagi, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

 

Swak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Christian Ladines, 49, ­Operational Staff ng Quezon City Hall na nakatira No.11 Bicol Brigade, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Si Ladines ay inaresto dakong alas-9:15 ng gabi sa E. Rodriguez Sr. Ave., Brgy. Damayang Lagi sa lungsod.

Ayon kay P/Sr. Inps. Jovito Guevarra ng Station Drug Enforcement Unit, may nagsumbong sa kanila na isang concerned citizen na nagkakaroon ng bentahan ng droga sa kanilang lugar.

Agad naman nagresponde ang grupo ni Guevarra at naaktuhan nila ang abutan ng droga sa pagitan ng suspek at isa pang lalaki na mabilis na nakatakbo noong isagawa ang operasyon.

Nabawi mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang Rusi motorcyle at isang cellphone na sinasabing na naglalaman ng mga mensahe ng drug transaction ng suspek sa kanyang mga parukyano.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with