^

Police Metro

Misis na trader nabaril ni mister, tigok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang negosyanteng misis ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ng kanyang mister naganap sa lungsod ng Alaminos, sa lalawigan ng Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

 

Nalagutan ng hi­ninga habang ginagamot sa Western Pangasinan District Hospital ang biktimang si Jennifer dela Cruz, 45-anyos, sanhi ng tinamong tama ng punglo sa ulo habang naaresto naman ng mga otoridad at nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mister nito na si Christopher dela Cruz, 44 taong gulang

Sa ulat ng Pangasinan Police, nangyari ang insidente bandang alas- 8:50 ng gabi sa tahanan ng mag-asawa sa Brgy. Palamis ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, prinapraktis paputukin ng nasabing mister ang kaniyang cal 9 MM pistol sa pag-aakalang natanggal na niya ang lahat ng bala nito.

Gayunman, biglang umalingawngaw ang ma­lakas na putok ng baril na sumapul sa ulo ng kanyang misis na duguang napahandusay sa insidente at mabilis na isinugod sa pagamutan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with