^

Police Metro

Criminology student, 3 pa tiklo sa P.3-M shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa
Criminology student, 3 pa tiklo sa P.3-M shabu
Batay sa ulat MPD-Station 7, alas-9:45 ng gabi nang arestuhin ang mga suspek sa No.. 3192 Pilar St., Barangay. 199, Tondo, nang makabili sa halagang P500 ang poseur buyer sa target na si Reynalyn na ang sinasabing ‘drug queen’ sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7, ang apat na babae kabilang ang isang dalagitang criminology student sa isang drug buy bust ­operation sa Pilar St., Tondo, Maynila at nasamsam sa mga ito ang mahigit siyam na bulto ng shabu na may halagang P300,000.

Ang mga suspek na kinasuhan sa piskalya ay kinilalang sina Reynalyn Tango, alyas “Nalyn”, 28;Rica Diane Nicole Tango, 22; Marilyn Tango, 48, pawang mga residente ng Pilar St., Tondo, Maynila at 17-anyos na criminology student na itinago ang pangalan.

Batay sa ulat MPD-Station 7, alas-9:45 ng gabi nang arestuhin ang mga suspek sa No.. 3192 Pilar St., Barangay. 199, Tondo, nang makabili sa halagang P500 ang poseur buyer sa target na si Reynalyn na ang sinasabing ‘drug queen’ sa lugar.

Bukod sa 3 maliliit na sachet ng shabu, narekober din ang malalaking sachet nito na tinatawag na 9 ‘bulto’ kabuuang 50 gramo na tinatayang may street value na P300,000, timbangan at pouch bag, gunting, at marked money na P500 sa bahay ni Reynalyn.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with