^

Police Metro

2 rapist/killer ng coed sa Cavite, naaresto

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkalipas ng halos da­lawang buwan sa ginawang panghahalay at pagpatay sa isang dalagang estudyante ng Cavite State University (CAVSU) Rosario Campus ay nadakip na ang dalawang lalaking suspek kamakalawa sa Brgy. Timalan, Balsahan, Naic Cavite.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Jonard Panesa alyas ‘Toto’ at Jonathan Otazo, kapwa nasa hustong gulang at mga construction worker at stay-in sa Hills View Royale Subdivision, Brgy.Timalan Balsahan.

Ang dalawang suspek ay kabilang sa 12 katao na nadakip ng mga otoridad sa isinagawang drug ­operation at nang magsagawa ng background check ay dito nadiskubre na sila ang pumatay sa biktimang si Mitchie Arana, 20, noong Setyembre 26, 2018.

Walang damit nang matagpuan ang bangkay ni Arana sa isang creek ng Phase 3, Hillsview Royale Subdivision ng nasabing barangay matapos nitong hindi nakauwi ng araw na yun.

Inamin ng suspek na si Panesa na isa siya sa gumahasa at tumulong sa pagpatay sa biktima at itinuro si Jonathan na siyang sumakal sa biktima gamit pa ang shorts nito.

Nabatid na kilala ang 2 suspek na drug pushers at ­users at palaging nasasangkot sa mga illegal drug trades na sinampahan ng kasong rape with murder at paglabag sa Sections 5, 11 and 26 of Republic Act No. 9165 o illegal drug.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with