^

Police Metro

Iloilo residents dedma sa bantang power blackout

Pang-masa
Iloilo residents dedma sa bantang power blackout
Sinabi ni Iloilo City Councilor Joshua Alim, isa sa mga local officials ng lalawigan na nangunang tumututol sa PECO franchise renewal na maituturing lamang na “blackmailing” ang pagbabanta ng PECO at walang dapat ikatakot ang mga residente dahil mismong ang DOE at ERC na ang nagbigay ng kasiguruhan na mayroon silang inilalatag na measures para maiwasan ang pagkadiskaril ng electricity supply sa Iloilo City.
File

MANILA, Philippines — Hindi umano nangangamba ang mga residente ng Iloilo City sa banta ng Panay Electric Company (PECO) na magkakaroon ng malawakang power blackout sa oras na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa na nakatakdang magtapos sa Enero 19,2019 dahil nagbigay na ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ng katiyakan na walang mangyayaring aberya sa supply ng kuryente.

Sinabi ni Iloilo City Councilor Joshua Alim, isa sa mga local officials ng lalawigan na nangunang tumututol sa PECO franchise renewal na maituturing lamang na “blackmailing” ang pagbabanta ng PECO at walang dapat ikatakot ang mga residente dahil mismong ang DOE at ERC na ang nagbigay ng kasiguruhan na mayroon silang inilalatag na measures para maiwasan ang pagkadiskaril ng electricity supply sa Iloilo City.

Nabatid na kamakailan ay nagbanta umano si PECO Legal counsel Atty. Inocencio Ferrer sa naging panayam sa kanya sa local radio sa Iloilo na ang Kamara at Senado ang siyang dapat na sisihin ng mga residente sa oras na makaranas ng blackout at nagsabi rin ito na hindi ibebenta ng PECO ang kanilang assets partikular ang kanilang power lines at systems sa MORE Electric and Power Corporation na una nang nabigyan ng prangkisa ng Kamara at Senado.

Siniguro naman ng kinatawan ng DOE na si Antonio Barcelona sa pagdalo nito sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Public Services noong Oktubre 22 na maaaring magpatupad ang ahensya ng automatic divestment assets ng PECO pabor sa susunud na distribution utility firm na mabibigyan ng congressional franchise para masiguro ang tuluy-tuloy na power service.

Inamin ni Alim na ang kanilang pagtutol sa PECO franchise renewal ay dahil sa mga masasamang serbisyo umano ng PECO na inabuso na ang kanilang monopolya sa prangkisa at sa mahabang panahon ay hindi napagbuti ang serbisyo.

vuukle comment

ERC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with