^

Police Metro

Imee: Farmers na apektado ng kalamidad bigyan ng ‘L.I.F.E.’

Pang-masa
Imee: Farmers na apektado ng kalamidad bigyan ng �L.I.F.E.�
Ayon kay Marcos ang pagbibigay agad sa mga magsasaka ng “LIFE” (Living Income for Farmers in Emergency) ay makakatulong para makabawi ang mga ito sa paglugi ng kanilang mga nawasak na mga pananim.
Andy G. Zapata Jr

MANILA, Philippines — Hiniling ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa pamahalaan na dapat bigyan agad ng ayuda o kabuhayan ang mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad tulad ng bagyo dahil sa winasak ang kanilang mga pananim.

 Ayon kay Marcos ang pagbibigay agad sa mga magsasaka ng “LIFE” (Living Income for Farmers in Emergency) ay makakatulong para makabawi ang mga ito sa paglugi ng kanilang mga nawasak na mga pananim.

“The Constitutionally-vested right to a living wage should translate into LIFE for our farmers – the right to Living Income for Farmers in Emergency situations,” wika ni Marcos, na tanging local officials na tatakbong senador sa susunod na midterm polls.

Binigyang diin ni Imee ang agarang tulong sa mga nangangailangang magsasaka dahil sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situations ay laging talo ang mga magsasaka dahil wala silang kinikita.

Idinagdag pa nito na habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa mga nawasak na kabukiran ng kalamidad ay dapat bigyan ng trabaho ng gobyerno ang mga magsasaka para may maipakain sa kanilang mga pamilya.

Maaaring kunin silang trabahador sa pagkumpuni ng nasirang dike, kalsada at mga pampublikong imprastraktura.

Pinaalala ni Marcos nang tamaan ng bagyong Ompong ang Ilocos Norte noong Setyembre, ay umabot sa P1.9 bilyon ang naging danyos sa sektor ng agrikultura.

Kaya naman humingi si Marcos ng tulong sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng kanilang Quick Reaction Fund upang matulungan ang mga  farmers na muling makapagtanim at ganun din ang Department of Social Welfare and Development na nag-implementa ng cash-for-work program sa lalawigan at pinasusuweldo ang apektadong residente ng P210 per day sa loob ng sampung araw.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with