^

Police Metro

Duterte sinuspinde ang excise tax sa petrolyo

Rudy Andal - Pang-masa
Duterte sinuspinde ang excise tax sa petrolyo
Ayon kay Sec. Diokno na itinuloy nila ang rekomendasyong ito kahit pa ­inaasahan nilang may ­ibababa pa sa presyo ng langis sa international market sa mga susunod na buwan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ni DBM Sec. Benjamin Diokno sa breakfast forum na nakatanggap na siya ng memorandum mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasaad na aprubado na ni Pangulong Duterte ang suspension ng excise tax sa langis mula Enero 2019 sa ilalim ng TRAIN Law.

Magugunita na inirekomenda ng economic managers kay Pangulong Duterte na suspendihin ang P2 excise tax sa langis sa susunod na taon.

Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng kaniyang economic mana­gers na suspendehin ang pagpapataw ng dagdag na P2 excise tax ng mga produktong petrolyo sa susunod na taon.

Ayon kay Sec. Diokno na itinuloy nila ang rekomendasyong ito kahit pa ­inaasahan nilang may ­ibababa pa sa presyo ng langis sa international market sa mga susunod na buwan.

Hindi naman masabi ni Diokno kung hanggang kailan iiral ang suspension ng dagdag na P2 excise tax sa langis dahil depende ito sa lagay ng magiging presyuhan ng langis sa world market at muling pag-aaralan ng economic managers ang sitwasyon.

vuukle comment

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with