^

Police Metro

Albayalde dismayado sa ‘Ang Probinsyano’

Joy Cantos - Pang-masa
Albayalde dismayado sa �Ang Probinsyano�
Anya, nakipagpulong na siya kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at dito’y kanilang tinalakay ang pagpapadala ng liham sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at maging sa producer ng nasabing palabas.

MANILA, Philippines — Planong sulatan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang producer ng teleser­yeng “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN Channel 2  na pinagbibidahan ni Coco Martin dahil sa ipinapakitang masamang imahe ng kapulisan.

Anya, nakipagpulong na siya kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at dito’y kanilang tinalakay ang pagpapadala ng liham sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at maging sa producer ng nasabing palabas.

“Well unang una, we want to probably have an audience and probably kung hindi man nila matigil yun e mabago man lang yung pagpo-portray  sa PNP”, wika ni Albayalde.

Idinagdag pa ni Alba­yalde na maging ang Office of the President ay naapek­tuhan dahil masyadong hindi na pangkaraniwan ang mga nangyayari sa nasabing teleserye.

Aminado si Albayalde na hindi nangyayari sa tunay na buhay na ang Chief PNP ang utak at protektor ng mga organisadong sindikatong kriminal tulad ng drug trafficking, smuggling at iba pang uri ng illegal na aktibidades.

Ang papel ng Chief PNP na isang kontrabida sa Ang Probinsyano ay ginagampanan ng aktor na si Soliman Cruz na mataba ang tiyan sa nasabing tele­serye ay siyang nagplano ng pananambang sa Pangulo ng bansa sa teleserye .

“Let’s be realistic, kung yan ay isang teleserye na pwedeng mangyari sa pang araw- araw natin na buhay medyo malayo naman yung chief PNP himself na siya ang kontrabidang lumalabas besides doon sa sinabi ko nga na masyadong makapal yung buhok nya”, ani Albayalde.

Nakababahala na anya ang nasabing teleserye dahil bagaman malayo ito sa katotohanan ay malaki ang impluwensya sa­ ­viewers na magiging masama ang pagtingin sa kapulisan.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with