^

Police Metro

9 bihag ng NPA nasagip

Joy Cantos - Pang-masa
9 bihag ng NPA nasagip
Ayon kay 1st Lt. Hazel Joy Durotan, Civil Military Operation Officer ng Ar­my’s 61st Infantry Battalion (IB), dakong alas-11:20 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng Army’s 61st In­fantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar .
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines —  Siyam katao na bihag ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasagip ng tropa ng militar matapos na gawin silang “human shield” ha­bang isang rebelde ang napaslang sa bakbakan sa Brgy. Igcabugao, Ig­baras, Iloilo kamakalawa ng tanghali.

Ayon kay 1st Lt. Hazel Joy Durotan, Civil Military Operation Officer ng Ar­my’s 61st Infantry Battalion (IB), dakong alas-11:20 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng Army’s 61st In­fantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa nasabing lugar .

Nagresponde ang mga sundalo sa lugar matapos na makatanggap ng report na nanghaharass at nangongotong sa mga residente ang tinatayang mahigit sa sampung mga armadong rebelde. Papalapit pa la­mang ang mga sundalo ay sinalubong na ang mga ito ng bala ng mga rebelde na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig. Sa kasagsagan ng bakbakan ay pinasok ng mga rebelde ang kubo ng mga residente at hinostage ang siyam katao. Tumagal ng may 30 minuto na ikinasawi ng isang rebelde na inaban­dona ng mga papatakas nitong kasamahan.

Iniwan ng mga rebelde ang kanilang siyam na bihag bago tuluyang tu­makas.

Narekober sa encounter site ang isang backpack, Improvised Explosive Device , bandolier ng 5.56 MM, tatlong galon ng gasolina na gamit ng CPP-NPA sa plano ng mga itong sunugin ang pasilidad ng Century Peak Energy Corporation (CPEC).

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with