^

Police Metro

Karo sumalpok sa trak, ulo ng bangkay sa kabaong lumusot sa windshield

Mer Layson - Pang-masa
Karo sumalpok sa trak, ulo ng bangkay sa kabaong lumusot sa windshield
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Traffic Sector 1, bago naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng ma­daling araw sa kanto ng Quezon Ave. at Roosevelt Avenue ay patungo ang karo ng Saint Peter Funeral para iburol ang bangkay nang bumangga ito sa 12-wheeler dump truck na minamaneho ni Rodolfo Ignacio, na noon ay nag U-turn naman sa lugar.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Mistulang naging doble ang naging kamatayan ng isang patay matapos na sumalpok ang karong si­nasakyan sa isang dump truck at lumusot ang ulo matatag­ nito sa windshield kahapon ng madaling araw sa Que­zon City.

Nasugatan sa insidente ang driver ng karo na si Philip Mendoza Warat, gayundin ang kaniyang kasamahan na si Anthony De Guzman habang nag­mistula namang “double dead” ang hindi na pinangalanang bangkay nang tumilapon mula sa kinalalagyang kabaong at lumu­sot ang ulo sa windshield ng karo.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Traffic Sector 1, bago naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng ma­daling araw sa kanto ng Quezon Ave. at Roosevelt Avenue ay patungo ang karo ng Saint Peter Funeral para iburol ang bangkay nang bumangga ito sa 12-wheeler dump truck na minamaneho ni Rodolfo Ignacio, na noon ay nag U-turn naman sa lugar.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang bangkay na nasa kabaong at lu­musot ang ulo sa nabasag na windshield ng karo habang nasugatan naman sina Warat at De Guzman.

Hindi naman kaagad nahugot ng rescue team ang ulo ng patay mula sa nabasag na windshield dahil sa pangambang ma­putol ito.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with